Tuesday, May 3, 2011

Ang tamang gawaiin at dasal ng mga Propeta






 Posted by : Nilikhani : Bro. Homer ( Omar ) Impas


               Ang lahat ng papuri ay saiyo Oh! Allah aking iniaalay pagkat ikaw ang nag-iisang Diyos ang bukod tangi sa lahat hindi nag kaanak at hindi ipinanganak hindi nangangailangan ng tulong ng sino paman. Ang pinakamahabagin at pinakamawain.
               Una sa lahat ang Tao ay nilalang ng Diyos na mayroon pag-iisip at puso. Dito binigyan ng mataas na antas na pagpapahalaga ni Allah ( Diyos) sa mga tao. Ginawa ni Allah ang utak upang ang tao ay mag-isip. bagkos ang tao ay walang pusong mapag unawa. Kaya inilagay ni Allah ang puso sa ating dibdib upang sa bawat tibok nito ay palalahanan ang utak na siya ay mag-isip dahil ang puso ang siyang nagpapatakbo ng lahat ng parte sa ating katawan upang mabuhay. At ang utak naman ay inilagay ni Allah sa itaas na parte ng katawan ng tao upang sabihan ang puso na siya ang magkokontrol nito. Kaya dapat nating gamitin ito ng balanse. Ngunit ang tao ay mapagmataas. Dito nakakalimutan nilang may Diyos na Dakilang lumikha sa kanila sa bawat kabuan ng kanilang mga katawan. Dahil sa pagmamatas ng tao ni kahit ang kanilang mga ulo ay ayaw isubsob sa lupa upang mag patirapa at mag pasalamat sa Diyos ( kay Allah ). Yan ang naging katangian ni Adan at Eva (pbuh) ng sila ay mag kasala kay Allah. Nang si Adan at Eva (pbuh) ay magkasala sa Panginoon  dahil sa pagkain nila ng bunga sa bawal na puno. Dito ay nilinlang sila ni Iblis ( Shaytan ). At dahil dito sila ay ipinababa sa Dunya ( Mundo ) upang pansamantalang manirahan dito. Una sa lahat ang kadahilanan nito ay ang pag kaingit at pagmamataas na dulot ni Iblis ( Shaytan ) kay Adan at Eva ( phuh ). Kahit si Iblis ay ayaw sumunod kay Allah ( Diyos ) upang siya ang mag patirapa sa kanila dahil sa siya ang naunang ni likha kaysa kay Adan at Eva ( pbuh ) at si Iblis ay nilikha sa apoy habang si Adam naman ay sa lupa lamang eto ang naka saad sa banal na Qur'an 

Surah Al baqarah 2: 34-36.

34- {pagmasdan!}At nang Kami ay magwika sa mga Angel: Maggawa kayo ng sujud{pagyukod o pagpapatirapa}kay Adan."At sila ay nagsagawa ng sujud maliban kay iblis {si Satanas,isang Jinn na nasa lipon ng mga anghel nang sandaling yaon};siya ay tumanggi at siya ay palalo.Kaya't siya ay napabilang {sa isa} sa mga nagtatakwil sa pananampalataya.

.35-At kami ay nag wika: "o Adan!Manirahan ka at iyong asawa sa paraiso{halamanan}at kumain kayo rito ng mga masaganang bagay{saan man at kailanman}ninyo naisin, datapuwa't huwag ninyong lapitan ang punong ito,baka kayo ay mapabilang sa mga makasalanan."

36- nguni't hindi naglaon ay nagawa ni Satanas na sila ay makatalilis dito{sa paraiso o Halamanan} at makalabas sa {katayuan ng katahimikan}na kanilang kinalalagyan,at kami {Allah}ay nagwika. Magsibaba kayong lahat {sa lupa}, na kayo ay magkakaaway{may pagkagalit sa bawat isa}. At ang kalupaan ang inyong magiging tirahan at isang pansamantalang kaligayahan."
  
             At kanyang winika si Iblis (Shaytan ) : ako ay patuloy na magliligaw sa inyong mga tao upang si Allah ay inyong makalimutan. Dito nag simulang ipinadala ni Allah ( Diyos) ang mga Propheta sa bawat kapanahunan upang ipagbadya na si Allah ang nag iisang Diyos at ang mga Propheta ang tagapag palaganap ng magandang balita sakani-kanilang kapanahunan . Dito ibanaba at ibat ibang revelasyon at sa pamamagitan ng kanyang Anghel na kung ating susuriin ang pangalan na ito'y laging nababangit sa bawat tipan na si Angel Gabriel ( Jibril ). Sa simulat simula pa ay tagapag hatid ng mga salita ng Diyos mula sa Panahon ni Adam at Eva ( pbuh ) haggang sa bawat banal na Prophetang ni nais ni Allah at sa pinaka huling sugo ni Allah si Propeta Muhammad (pbuh ). Inahayag ni Allah ang tamang paraan ng pagsamba sa kanya at revelasyon ng kanyang mga salita na magpapatunay na siya si Allah ang Nag-iisang Diyos.
            Ang pag papatirapa ang isang pinaka mainam o pinakamataas na antas na pagsamba sa dakilang lumikha sapagkat dito ang ating ulo kapang ating ibinababa sa lupa ay ating  malalasap ang pinaka sukdulang pagpapakumbaba sa dakilang lumikha. Ang tawag dito ay taos pusong pagpapasakop sa dakilang lumikha na siya si Allah ang nag-iisang Diyos na dakila at ang tawag dito ay ISLAM. Itong ang paulit ulit na ipinahihiwatig sa atin ni Allah sa ating pagkalimot sa kanya. Pagkat si Iblis ( Shaytan ) ay may kapangyarihan sa pagbulong sa puso ng mga tao upang isarado ang ating puso't isipan sa Islam. At tuluyang makalimutan si Allah ( Diyos )        
( Quran -59:19-20 )
           "At huwag kayong tumulad sa kanila na nakalimot kay Allah, at Kanyang pinapangyari na malimutan nila ang kanilang mga sarili, sila nga ang mga Fasiqun ( palasaway kay Allah ). Hindi magkatulad ang mga tao sa Impiyerno at mga tao sa Paraiso. Ang mga tao sa Paraiso ay tunay na mga nag tagumpay."
          Kayat ating hilingin ang Nemah ( awa ) ni Allah upang tayo ay magtagumpay sa ating pamumuhay dito sa Dunya ( Mundo ).  Assallahmulaykom,Warahmatullahi, Wabarakatuh.


Nilikhani : Bro. Homer ( Omar ) Impas


              


              





No comments:

Post a Comment