Posted by : InshaAllah Jannah
Ang Ating magiting na Khalipa Uthman bin Affan
Sa isang Hadith ang Propeta (sas) ay nagsabi: "Ang Bawat Propeta ay may assistant o kasama, at ang magiging kasama o assistant ko ay si Uthman."
Si Uthman bin Affan ay isinilang pitong taon makalipas ang pagsilang ng marangal na Propeta (sas). Siya ay nagmula sa Omayyad na sangay ng tribo ng Quraish. Siya ay natutong bumasa at sumulat sa murang idad at maaga rin siyang naging isang matagumpay na mangangalakal. Maging sa panahon na wala pa sa kanila ang Islam siya ay kilala sa kanyang katapatan at pagiging matuwid. Siya at si Abu Bakr ay matalik na magkaibigan at si Abu Bakr ang siyang nag-akay sa kanya tungo sa Islam nang siya ay nasa idad na tatlumpu at apat. Makalipas ang ilang taon, napangasawa niya ang pangalawang anak na babae ng Propeta na si Ruqayya. Sa kabila ng kanyang kayamanan at posisyon, siya ay dumanas pa rin ng pagpapahirap ng kanyang mga kamag-anak dahil sa kanyang pagyakap sa Islam at siya ay napilitang lumikas patungong Abissinia. Sa bandang huli siya ay bumalik sa Makkah ayt hindi nagtagal ay muling lumikas patungong Madinah kasama ng iba pang mga Muslim. Sa Madinah ay muling nagsimulang yumabong ang kanyang negosyo at kanyang nakamtan muli ang dati niyang kasaganaan. Ang pagkakawanggawa niya ay walang limit, may mga okasyon na siya ay gumugugol ng malaking bahagi mula sa kanyang kayamanan para sa pangangailangan ng mga Muslim, para sa kawanggawa at kagamitan ng mga Muslim na mandirigma. Kaya siya ay nakilala bilang "Ghani" na ang kahulugan ay "Bukas Palad".
Bago maganap ang digmaan sa Badr, ang kanyang asawa na si Ruqayya ay may malubhang karamdaman at siya ay pinigilan ng Propeta (sas) na makipagdigma. Ang karamdaman ni Ruqayya ang nagging sanhi ng kanyang kamatayan, na nag-iwan kay Uthman ng lubos na kalungkutan. Ang Propeta ay gumawa ng hakbang at inialok niya kay Uthman ang kamay ng isa pa niyang anak na babae na si Kulthum. Dahil sa kanyang mataas na pribilehiyo na napangasawa niya ang dalawa sa mga anak ng Propeta, si Uthman ay nakilala bilang "Ang nagkamit ng dalawang liwanag."
Si Uthman ay nakipagdigma sa labanan sa Uhud at sa labanan sa Bambang. Pagkatapos ng sagupaan sa Bambang, ang Propeta (sas) ay nagpasya na magsagawa ng Hajj at ipinadala si Uthman bilang kanyang emisaryo sa Quraish sa Makkah at kanila itong ikinulong. Ang pangyayaring yaon ay humantong o natapos sa pagkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga taga Makkah na tinaguriang Kasunduan sa Hudaibiya.
Si Uthman ay mailalarawan sa kanyang pagiging ordinaryo, katapatan, pagkamahinahon, bukas-palad at napakabait na tao, higit siyang kilala sa kanyang pagkamahiyain at pagkamakadiyos. Kanyang ginugugol ang ilang bahagi ng gabi sa pagdarasal, nag-aayuno tuwing ikalawa o ikatlong araw, nagsasagawa ng Hajj taon-taon, at nakasubaybay sa mga pangangailangan ng buong kumunidad. Sa kabila ng kanyang kayamanan, ang kanyang pamumuhay ay napaka simple at siya ay natutulog sa buhanginan sa paligid ng masjid ng Propeta (sas). Nalalaman ni Uthman ang Qur'an mula sa kanyang memorya at siya ay may malalim na kaalaman sa konteksto at pangyayari na nauugnay sa bawat ayah.
Nang si Umar ay nakaratay sanhi ng kanya sugat na tinamo noong siya ay saksakin ng taong gusting pumatay sa kanya, bago siya mamatay ay sinabi sa kanya ng mga tao na magbigay siya ng kanyang kahalili. "Hinirang ni Umar ang kumite na binubuo ng anim sa sampong kasamahan ng Propeta (sas) na kanyang sinabi, "Sila ay mga tao ng Paraiso." Sila ay sina Ali, Uthman, Abdur Rahman, Sa'ad, Al-Zubayr at Talha, upang pumili mula sa kanila ng susunod na Khalipa. Ibinigay din niya ang patakaran na dapat sundin sa pagpili kung may pagkakaiba-iba ng mga opinion. Iwinidro ni Abdur Rahman ang kanyang pangalan. At siya ay binigyan ng kumite ng katungkulan na magnominate ng Khalipa. Matapos ang dalawang araw na pagdidisisyon sa mga kandidato at matapos makuha ang opinion ng mga Muslim sa Madinah, sa huli ang pagpipilian na lamang ay sina Uthman at Ali. Dumating sa mosque si Abdur Rahman kasama ang iba pang mga Muslim at matapos ang maikling pananalita at pagtatanong sa dalawa, sila ay nanumpa ng pag-anib kay Uthman. Ang lahat ng naroroon ay nanumpa rin, at si Uthman ang naging pangatlong Khalipa sa Islam na naganap sa buwan ng Muharram 24 A.H.
Sa mga panahon ng pamamahala ni Uthman, ang mga katangian ng pamamahala nina Abu Bakar at Umar – pantay na katarungan para sa lahat, katamtaman at makataong pamamalakad, pagpupunyagi sa landas ng Panginoon, at pagpapalaganap ng Islam – ay ipinagpatuloy. Ang pamamahala ni Uthman sag awing kanluran ay umabot hanggang Morocco, sa gawing silangan ay umabot hanggang Afghanistan at sa norte ay umabot hanggang Armenia at Azerbaijan. Sa panahon ng kanyang pamamahala, ang hukbong pandagat ay naging maayos, maraming mga pampublikong proyekto ang napalaki at nakompleto. Ipinadala ni Uthman ang mga prominenteng kasamahan ng Propeta (sas) bilang kanyang mga personal na assistant sa mga probinsya upang sumubaybay sa asal ng mga opisyal at kondisyon ng mga tao.
Ang pinakamalaking naiambag ni Uthman sa relihiyon ng Allah ay ang pakulekta sa mga sipi ng Qur'an at pagbuo nito. Ang malaking bilang ng aklat na ito ginawa at ikinalat o ipinamahagi sa mga kamusliman.
Ang pamamahala ni Uthman ay tumagal sa loob ng labing-dalawang taon. Ang unang anim na taon ay nag-iwan ng bakas ng kapayapaan at katahimikan, subalit sa sumunod na anim na taon ng kanyang panunungkulan, ang rebelyon ay sumiklab. Ang mga Hudyo at Mago ang nanguna sa pag-aaklas ng mga tao laban sa pamamahala ni Uthman, at sa pamamagitan ng pampublikong pagsisiwalat ng kanilang mga reklamo at akosasyon, nakuha nila ang malaking simpatya na ito ang siyang nagpahirap upang kilalanin kung sino baga ang kaibigan o kaaway.
Ito ay isang kataka-taka na ang pinuno ng malaking teretoryo, na ang kanyang mga sundalo ay walang kapantay sa dami ay walang kakayanang pakitunguhan ang mga nag-aaklas o rebelde. Kung nanaisin lamang ni Uthman, anumang oras ay kaya niyang wasakin ang mga pag-aaklas kung ito ay kanyang ipag-uutos. Subalit siya sang-ayon na ang manguna sa pagpapadanak ng dugo ay ang mga Muslim, kahit anumang pag-aaklas ang kanilang gawin. Kanyang minabuti na magdahilan sa kanila, upang kumbinsihin sila ng may kabaitan at bagbibigay. Naalala niya ang kanyang narinig sa Prpeta (sas) nang kanyang sinabi: "Kapag ang espada ay nahugot sa kaluban ng aking mga tagasunod, ito ay hindi na maibabalik sa kanyang kaluban o lalagyan hanggang sa Huling Araw."
Ang mga rebelde ay humiling na siya ay magbitiw at ang ilan sa mga Sahabah ay nagpayo sa kanya na gawin niya iyon. Siya ay nasisiyahan na gawin ang gayong aksiyon, subalit muli ay naging malinaw sa kanya ang kanyang sinumpaan sa Propeta. Minsan ay sinabi sa kanya ng Propeta, "Maaring bihisan ka ng Allah ng damit, Uthman. At kung naisin ng mga tao na hubarin mo ito, huwag mo itong hubarin para sa kanila." Sinabi ni Uthman sa kanyang mga tagasunod noong araw na ang kanyang tahanan ay napaliligiran ng mga rebelde, "Ang Sugo ng Allah ay gumawa ng kasunduan sa akin at nais kong magpakita ng pagpupunyagi na ito ay aking pinahahawakan."
Makalipas ang mahabang pagkubkob, pinasok ng mga rebelde ang kanyang tahanan at pinatay siya. Nang angespada ng unang kriminal ay itaga kay Uthman, kanyang binibigkas ang ayah na,
"Kung sa gayon, sapat na ang Allah sa inyo laban sa kanila. At Siya ang Ganap na Nakakarinig, ang Tigib ng Kaalaman." (2:137)
Si Uthman ay namatay hapon ng Biyernes, ika – 17 ng Dhul Hijja, 35 A.H. (June 656 A.C.) ang kanyang idad ay walumput-apat. Malakas ang kapangyarihan ng mga rebelde kung kaya ang katawan ni Uthman ay hindi nailibing hanggang sa gabi ng Sabado, nang siya ay ilibing ay suot niya ang kanyang duguang damit, ang siyang balabal ng lahat ng mga namatay sa kapakanan ng Allah.

No comments:
Post a Comment