Sunday, May 1, 2011
ANG ISANG BABAE NA NAIYAKAN NG ANGHEL NG KAMATAYAN NG ITO AY BAWIAN NIYA NG BUHAY;
ANG ISANG BABAE NA NAIYAKAN NG ANGHEL NG KAMATAYAN NG ITO AY BAWIAN NIYA NG BUHAY;
Isinaad sa naunang kasulatan na katotohanan ang allah ay inutusan niya ang anghel ng kamatayan Na puntahan niya ang isang babae upang kunin ang buhay
nito,kanyang dinatnan ang babae na Nagpapasuso ng kanyang sanggol at sila lang magkasama sa kanyang tahanan,ng Makita ng anghel Ng kamatayan ang babae at ang kanyang anak na kong saan ay babawian nanya ng buhay hindi nakatiis ang anghel ng kamatayan ay naiyakan nya ang nanay ng bata,di naglaon binawian nanya ng buhay dahil wala na siyang magawa sa kautosan ng Allah,
Lumipas ang mahabang panahon inutusan ng allah ang anghel ng kamatayan doon sa isang lalaki upang Bawian ng buhay ng kanya itong datnan nakita niya ang lalaki
na nakasandal sa kanyang tungkod dahil ito ay lulugodlugod na dahil mahina at matanda na,at nais ng matanda na ipaayos ang kanyang tungkod pinapalitan nya ng bakal para itoy magamit niya ng matagal kahit siya ay matanda at mahina na!
Dahil sa nakita ng anghel ng kamatayan na ginagawa ng matanda siya ay tumawa sa kadahilan hindi batid ng matanda na babawian napala siya ng buhay,nagtaka ang anghel ng kamatayan kong bakit ganun nalang ang kagustuhan ng matanda mabuhay ng walang hanggan,
Di naglaon ipinahayag ng allah sa anghel ng kamatayan,na ang kanyang iniyakan ay yan rin matanda na pinagtawanan niya, yan yung bata na iniyakan mo ng bawian mo ng buhay ang kanyang nanay,
Ang nakuha na aral sa kuwento na ito ay hindi inakala ng babae na mas mauna pa pala siyang bawian ng buhay kaysa kanyang anak,at ganun rin ang matanda hindi niya batid na siya ay nag-handa na ng gamit niya ay babawian napala siya ng buhay;
1-Paano na ang mga tao na ang kanilang inaatupag ay buhay lang dito sa mundo?
2-Paano na yong mga tao na wala ng pakundangan ang pag-gawa ng kasalanan?
3-Paano na ang mga taong hindi na nagbabalik loob sa allah at hindi nagsisi sa nagawang kasalanan?
Ang kuwento na ito ay galing sa: www.islamway.com
Hinango ito sa Arabic..
Isinalin sa wikang tagalog ni : Mohammad Amin Omar Bandao
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment