Saturday, June 25, 2011

Ang mga Nakalalabag sa Islam

POSTED BY: Abu Maher Bandao
Maaaring matalikod ang isang Muslim sa kanyang Relihiyon sa pamamagitan ng maraming uri ng mga bagay na Nakalalabag sa Islam. Kabilang sa pinakamapanganib at pinakamadalas na mangyari sa mga ito ay ang sampung ito:     1. Ang Shirk o Pagtatambal kay Allah. "…Tunay na ang sinumang magtambal kay Allah ay ipinagkait na ni Allah sa kanya ang Paraiso at ang magiging tuluyan niya ay ang Impiyerno. At mawawalan ang mga Lumalabag sa katarungan ng mga tagatulong." (5:72) Kabilang din sa Shirk ang pananalangin sa mga patay na, ang pagpapasaklolo sa kanila, ang pamamanata sa kanila, at ang pag-aalay sa kanila.     2. Ang gumagawa ng mga tagapagitna (intermediary) sa pagitan niya at ni Allah — pinananalanginan ang mga ito, hinihilingan ang mga ito ng Pamamagitan (intercession) at inaasahan ang mga ito—ay naging Kafir na.     3. Ang hindi nagturing na mga Kafir ang mga Mushrik o nag-alinlangan sa pagiging Kafir nila o nagtuturing na tama ang kanilang paniniwala ay naging Kafir na.     4. Ang naniwala na ang patnubay ng iba pa sa Propeta (saw) ay higit na perpekto kaysa sa patnubay nito, o ang hatol ng iba pa rito ay higit na magaling kaysa sa hatol nito, siya ay isa nang Kafir. Iyan ay katulad ng naniniwala na ang mga patakaran at ang mga batas na ginawa ng mga tao ay mainam pa kaysa sa Batas ng Islam, o na ang patakaran ng Islam ay hindi naaangkop na ipatupad sa panahon ngayon, o na ito ang isang dahilan ng di-pagsulong ng mga Muslim, o na lilimitihan na lamang ang Islam sa ugnayan sa pagitan ng tao at kanyang Panginoon at hindi na ito manghihimasok pa sa ibang mga aspeto ng buhay, o na naniniwalang ang pagpapatupad sa patakaran ni Allah kaugnay sa pagpuputol ng kamay ng magnanakaw o pagbabato sa mangangalunyang may-asawa o dating may-asawa ay hindi nababagay sa panahon ngayon.     Napapaloob din dito ang paniniwalang ipinahihintulot na humatol nang hindi ayon sa Batas ni Allah kaugnay sa mga Mu'amalah (1) o kaugnay sa pagpataw ng mga kaparusahan at iba pa, kahit pa man hindi maniwalang iyon ay mainam pa kaysa sa Batas ng Islam sapagkat sa pamamagitan niyon ay itinuring nang ipinahihintulot ang ipinagbawal ni Allah. Ang bawat isang nagtuturing na ipinahihintulot ang ipinagbawal ni Allah, siya ay isang Kafir.     5. Ang nasusuklam sa anuman sa katuruang ihinatid ng Sugo (saw), kahit pa man ginagampanan niya ito, ay naging Kafir na. Nagsabi si Allah: "Iyan ay sapagkat sila ay nasuklam sa ibinaba ni Allah kaya naman pinawalang-kabuluhan Niya ang kanilang mga gawa." (47:9) 6. Ang nangungutya sa anuman sa Relihiyon ng Sugo (saw) o sa gantimpala o sa kaparusahan nito ay naging Kafir na. Nagsabi si Allah: "…Sabihin mo: "Kay Allah, sa Kanyang mga Kapahayagan, at sa Kanyang Sugo ba kayo nangungutya? Huwag na kayong magdahilan; tumalikod na kayo sa pananampalataya pagkatapos ng pananampalataya ninyo.…" (9:65-66) 7. Ang Panggagaway. (2) Ang nagasasagawa nito o tumatangkilik dito ay naging Kafir na. "…Ngunit hindi nagtuturo ang dalawang ito sa sinuman hangga't hindi sinasabi ng mga ito: "Kami ay tukso lamang, kaya huwag kang tumalikod sa pananampalataya.” (2:102) 8. Ang pagkampi at ang pakikipagtulungan sa mga Mushrik laban sa kapwa mga Muslim. Nagsabi si Allah: "…At ang sinuman sa inyong gagawing tagatangkilik sila, tunay na siya ay kabilang na sa kanila. Tunay na si Allah ay hindi nagpapatnubay sa mga taong Lumalabag sa katarungan." (5:51) 9. Ang naniniwala na may mga tao na maaaring hindi masaklawan ng Batas na ipinahayag kay Muhammad (saw), siya ay Kafir na sapagkat ang sabi ni Allah: "At ang sinumang maghahangad ng iba pa sa Islam bilang relihiyon, hindi matatanggap iyon sa kanya; at siya sa Kabilang-buhay ay mapabibilang sa mga talunan." (3:85) Hindi pinahihintulutan ang sinumang inabot ng mensahe ni Propeta Muhammad (saw) na sumunod sa batas ng iba pa sa kanya o maniwalang ang kaligtasan ay nasa pagsunod sa pamamaraan na iba pa sa kanyang pamamaraan.     10. Ang pag-ayaw sa Relihiyon ni Allah (Islam) : hindi pinag-aaralan ito at hindi kumikilos ayon sa mga katuruan nito sapagkat ang sabi ni Allah: "At sino pa ang higit na lumalabag sa katarungan kaysa kanya na pinaalalahanan na hinggil sa mga kapahayagan ng kanyang Panginoon at pagkatapos ay inayawan pa niya ang mga ito? Tunay na Kami, sa mga sumasalansang, ay maghihiganti." (32:22) Iyan ay sa pamamagitan ng pag-ayaw na matutunan ang pangunahing katuruan ng Islam na sa pamamagitan nito ang tao ay nagiging Muslim. Hindi ibig sabihin nito na obligadaong pag-aralan ang lahat ng detalye ng Islam.     Walang pinagkaiba sa lahat ng mga Nakalalabag na ito sa pagitan ng taong seryoso o di-seryoso o nagbibiro, maliban na lamang sa napilitan sapagkat wala siyang pananagutan sa ganitong kalagayan.     ------------------------------------------------------------------------------------------------------ (1) Ang Mu'amalah ay ang anumang gawaing ginagawa ng mga tao sa pagitan nila tulad halimbawa ng pagtitinda at pagbili, pangungutang at pagpapautang, paghingi at pagbibigay, pagpapamana at pagmamana at iba pang mga tulad nito.   (2) Ang panggagaway o Sihr sa wikang Arabe ay ang anumang gawaing gumagamit ng karunungang itim o nagpapatulong sa mga jinni o mga masamang espiritu o mga maligno. Ang mga taong maituturing na nagsasagawa ng panggagaway ay ang mahikero, albularyo, mangkukulam,faithhealer, mangagayuma, manghuhula, at iba pang maituturing na kabilang sa kanila. Subalit hindi lahat ng taong nag-aangkin o tinataguriang mahikero o albularyo o manghuhula ay mga tunay na manggagaway dahil ang iba sa kanila ay wala naman talagang kapangyarihang manggaway; nanunuba lamang sila ng mga uto-uto.

Friday, June 24, 2011

Ang Pagpanaw at ang iniwang Patnubay ng Propeta

posted by: Abu Maher Bandao

Ang Pagpanaw at ang iniwang Patnubay ng Propeta

 Sa Ngalan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin

 Ang Pagpanaw

Sa halos dalawang buwan pagkaraang dumating sa Madinah mula sa paglalakbay sa banal na Ka’bah[1] sa Makkah, ang Propetar ay nagkasakit. Magkagayun-ma’y naisasagawa pa rin niya ang pagdarasal sa Masjid[2] at nagbibigay ng pamamatnugot sa mga Sahabah[3]. Ang kanyang kalusugan ay lumalala araw-araw. Sa huling sandali, sinabihan niya si Abu Bakr na pangunahan ang Salah sa Masjid. Bawat kasapi ng kanyang sambahayan at bawat Sahabah ay nag-aalala sa kanyang kalagayan. Lunes ika-12 ng Rabi’ Al-Awwal, taong 11 pagkaraan ng Hijrah, pumanaw siya sa edad na 63.

Maraming tao ang hindi naniniwalang pumanaw na siya. Kanilang inakala na ang Propetar ay mananatiling buhay nang walang hanggan. Si Abu Bakr ay may hinuha na nalalapit na ang kamatayan ng Propeta pagkatapos ng kanyang talumpati sa panahon ng Hajj (pelegrinasyon) sa Makkah. Siya ang kumumbinsi sa nagtipong mamamayan na ang Propetar ay tunay ngang pumanaw na. Sinabi ni Abu Bakr sa pagtitipon na kung sumasamba sila kay Muhammad, si Muhammadr ay pumanaw na at kung sila’y suma-samba sa AllahU, Siya’y buhay magpakailanman. At kanyang ipinahayag ang taludtod sa Qur’an:

Hindi hihigit sa isang Sugo si Muhammad at tunay na maraming Sugo ang nagsipanaw na nauna sa kanya.  Kung siya man ay mamatay o mapatay, babalik ba kayo sa pananampalatayang inyong kinagisnan? At sinumang bumalik sa dati niyang pananampalataya ay hindi niya kailanman madudulutan ng anumang pinsala ang Allah. At gagantimpalaan ng Allah ang mga Shaaker (mapag-pasalamat sa Allah). [Qur’an 3:144]

Ang Patnubay

Bilang isang tao, si Muhammadr ay namatay, nguni't bilang isang Propetar nag-iwan siya ng pamamatnubay, ang Qur’an at ang Sunnah. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng katatagan sa dalawang bagay na ito. Katulad ng kanyang ipinahayag sa kanyang pamamaalam noon sa bundok ng Arafat, upang ang tao ay hindi kailanman lilihis sa tuwid na landas.

Kung ang mga katuruang iniwan ng Propetar ay isasagawa at isasabuhay nang tapat ay magdudulot sa mga naniniwala nito ng masayang buhay sa mundong ito at bukod pa dito ang di-masukat na gantimpala na matatanggap sa kabilang buhay. Sa ganitong pagka-unawa, saklaw ng Islam ang lahat ng makamundong gawain ng sangkatauhan. Ang kabilang buhay ay karugtong lamang ng makamundong buhay na ito. Mahirap ipahiwatig na ang tao ay maliligtas sa kabilang buhay na hindi muna naligtas sa mundong ito. Ang ligtas na daan ay ang pagsunod sa mga landas na ipinakita sa atin ni Propeta Muhammadr. Nang tanungin ang asawa niyang si Aisha ng mga Sahabah tungkol sa pang-araw-araw na gawain ng Propetar, ang sagot ni Aisha: "Ang kanyang buhay ay ang Qur’an, ang patnubay na mula sa AllahU, at si Muhammadray binigyan ng kapangyarihan ng AllahU upang ipaliwanag ito. Kaya ang kanyang mga gawain ay ang huwarang pantao." Ang Islam, na ipinalaganap ni Propeta Muhammadr ay kadalasang itinuturing ng iba bilang isang relihiyon lamang ng seremonyas kagaya ng Salah (ng limang ulit sa isang araw), Sawm (pag-aayuno) sa buwan ng Ramadan, Zakat, at pagsasagawa ng Hajj.  Subali’t ang mga pag-babago sa daigdig ang siyang nagbigay ng pagkakataon upang unawain ang Islam sa lalong malawak na pananaw na sadyang taliwas sa makitid na pananaw ng iba.

Fake Quran & Islamic Site Links

Fake Quran & Islamic Site Links

Aslam-o-Alakium; Brothers & Sisters of Islam
Here is the list of Websites those are misleading the Muslims and non-Muslims about Islam by providing/offering FAKE Quran, Ahadith, Verses, Surah’s, and other maertials of islam …The list may not be complete all the time, as growing of internet and websites, but I am trying my best to publish complete list of sites as soon as I come to such sites/links.
I also request you to please drop me an email and let me know if any site/link you also know, so i’ll keep my list updated.
Waslam,
Sohail Ahmed Shaikh

List of Fake sites

  1. Amazon offering fake quran
  2. http://www.islam-exposed.org/
  3. http://www.answering-islam.org/
  4. http://www.convertstoislam.org/
  5. http://www.thequran.com/
  6. http://inthenameofallah.org/
  7. http://www.thereligionofpeace.com/
  8. http://www.islam-watch.com/
  9. http://www.wikiislam.com/wiki/Main_Page/
  10. http://www.answering-islam.org/
  11. http://www.radiojihad.org/
  12. http://www.allaboutmuhammad.com/
  13. http://islam-documents.org/
  14. http://www.muhammadanism.com/
  15. http://www.freemuslims.org/
  16. http://www.islamundressed.com/
  17. http://www.investigateislam.com/
  18. http://www.ministrytomuslims.com/
  19. http://www.muslimjourneytohope.com/
  20. http://www.islamexplained.com/’
  21. http://www.alislam.org/
  22. http://www.the-good-way.com/

Anti Islamic Sites

  1. http://www.faithfreedom.org/
  2. http://www.light-of-life.com/
  3. http://www.thereligionofpeace.com/
  4. http://www.apostatesofislam.com/
  5. http://www.stopsharialaw.com/
  6. http://www.muslimhope.com/
  7. http://www.islameyat.com/
  8. http://www.islamreview.com/
  9. http://www.answeringinfidels.com/
  10. http://www.exmuslim.com/
  11. http://www.muhammadtube.com/
  12. http://thespiritofislam.com/
  13. http://debate.org.uk/
  14. http://www.answeringmuslims.com/
  15. http://bibleandquran.org/
  16. http://jcsm.org/biblelessons/thekoran.htm/
  17. http://muhammadorjesus.googlepages.com/
  18. http://www.joelstrumpet.com/
  19. http://www.rim.org/
  20. http://morethandreams.org/

Friday, June 10, 2011

Tawheed Laban sa Doktrina ng “Tatlong Persona sa isang Diyos”

 

Tawheed Laban sa Doktrina ng “Tatlong Persona sa isang Diyos”

 Ang konseptong "TATLONG PERSONA SA ISANG DIYOS" o itong tinatawag na "Doctrine of Trinity" ay nagsimula lamang pagkaraan ng maraming taon nang lumisan si Hesus sa daigdig. Walang alinlangan, na ang konseptong ito ay hindi aral o batas ni Hesus at maging sinumang propeta sa buong kasaysayan. Ang katotohanan, ang mga iniwang disipulo ni Hesus ay patuloy na sumusonod sa kaisahan ng Diyos hanggang taong 90 A.D. Ang paniniwala sa kaisahan ng Diyos ay nakasulat sa "shepherd of hermas" na naisulat sa panahong ito at isinasaalang-alang bilang banal na kapahayagan ng mga naunang Kristiyano.
Nang lumaganap ang “Roman Church Doctrine”, ang mga tunay na Kristiyano ay pinagpapatay dahil sa hindi pagsang-ayon sa di-makatwirang Doktrina ng Trinidad. Sa taong 190 A.D. isa sa mga kasapi ng Apostolic Church na si Iraneus ay sumulat kay Pope Viktor upang itigil ang pagpatay sa mga tunay na Kristiyano. Ang katotohanan pa nito, karamihan sa kasapi ng Apostolic Church ay ganap na sumunod sa simpleng aral ni Hesus. Bilang kasapi, si Lacteneus ay sumulat noong 310 A.D. na "si Hesus ay kailanman hindi nagsabi na siya ay diyos"
Sa taong 320 A.D., si Eusebius ay nagsulat; "Si Hesus ay nagturo sa atin na tawagin ang kanyang ama bilang tunay na Diyos at dapat sambahin." Sa kabila ng laganap na pagpatay sa mga naniniwala sa isang Diyos, maraming ‘Unitarian’ ang matapang at matibay na naglahad ng kanilang kaisipan laban sa doktrina ng Trinity.
Isa sa pangunahing Unitarian na si Arius ay tandisang nagsabi kay Bishop Alexander ang walang katotohanang Doktrina ng Trinity. Pagkaraan ng ika-apat na taon, si Emperor Constantino ay nagtawag ng "First General Council" sa Nicea na nilahukan ng 318 Bishops upang ayusin ang paksang pinag-aawayan nina Arius at Alexander. Ang "council" na ito ay sumang-ayon sa Doktrina ng Trinity sa pangunguna ni Athanasius nguni’t si Arius at ang mga kasamahan niya ay patuloy sa pananaw at konseptong "isang diyos". Sa taong 380 A.D., si Emperor Theodosius ay nagtakda na ang ‘orthodox faith (trinitarian catholic faith)’ ang siyang relihiyon ng kanyang kinasasakupang mamamayan. Sa taong 383 A.D., si Theodosius ay nagbigay babala na parurusahan ang sinumang hindi maniwala sa Doktrina ng Trinity. Sa kabila nito, hindi nabuwag ang mga ‘Unitarian’. Isa sa tumuligsa sa Doktrina ng Trinity na si Servetus (16th century) ay nagsabi na "ang pagtanggap sa doktrina ng Trinity ay pagtanggap ng MARAMING DIYOS". Sa bandang huli, siya ay ikinulong at unti-unting pinatay sa pamamagitan ng pagsunog sa apoy. Isa sa kanyang kasamahan ang nagsabi "ang sunugin ang isang tao ay hindi pagpapatunay ng isang doktrina."
Katotohanan, ang kasinungalingan ay hindi makatatayo laban sa lakas ng katwiran. Pagkaraan ng anim na raang taon mula sa paglisan ni Hesus, ang Allah ay nagbigay ng banal na kapahayagan sa pamamagitan ni Propeta Muhammad, kapayapaan ay sumankaya nawa, ito ay ang Banal na Qur'an. Isa sa mahalagang mensahe nito ay ang pagbibigay babala sa mga taong sumasampalataya at naniniwala sa Doktrina ng Trinidad. Ang Allah ay nagwika:
“Katiyakan, ang Kafirun (di-naninwala) ay yaong nagsasabing: “ Ang Allah ay ikatlo sa tatlo (sa Trinidad) subali’t walang diyos (na karapat-dapat sambahin) maliban sa Isang Ilah (Diyos – ang Allah) at kung sila ay hindi magsisitigil sa anumang sinasabi nila, katotohanan, isang masakit na parusa ang darating sa Kafirun na kabilang sa kanila.” [5:73]
“At kanilang sinabi: “Ang Al-Rahman [ang Mahabagin (Allah)] ay may anak. Katotohanan, kayo ay nagsabi ng isang kakila-kilabot na bagay. Halos magkagutay-gutay ang mga kalangitan, na ang lupa ay magkabiyak-biyak at ang mga kabundukan ay magkawatak-watak dahil sa kanilang sinasabi na ang Al-Rahman (Mapagpala) ay may anak. At hindi naaangkop sa Al-Rahman (Mapagpala) (Allah)] na magkaroon ng isang anak. [19:88-92]
“At sila (Hudyo, Kristiyano at pagano) ay nagsabi: Ang Allah ay mayroong anak[1]. (Subali’t) Luwalhati sa Kanya (Higit Siyang Dakila at Mataas kaysa sa lahat ng kanilang iniaakibat o iniuugnay sa Kanya). Hindi! Sa Kanya ang pagmamay-ari ng lahat ng nasa mga Kalangitan at ng Kalupaan at ang lahat ay sumusuko nang may (ganap) na pagsunod (sa pagsamba) sa Kanya. (Siya ang Tanging) Tapagpasimula ng mga Kalangitan at ng Kalupaan. Kung Kanyang itakda ang isang bagay, Siya ay nagsasabi lamang ng: “Kun” [Maging] “Fayakun” [at mangyayari nga].” [2:116-117]
________________________
[1] Ang anak ni Adan. Isinalaysay ni Ibn Abbas: Ang Sugo ng Allah ay nagsabi, “Ang Allah ay nagsabi: “Ang anak ni Adan ay nagsabi ng kasinungalingan laban sa Akin bagama’t wala siyang karapatang gawin ito at Ako ay kanyang inalipusta bagama’t siya ay walang karapatang gawin ito.Tungkol sa kanyang pagsisinungaling, sinabi niya na hindi Ko magagawang likhain siyang muli tulad ng paglikha ko nuong una sa kanya at tungkol naman sa pang-aalipusta niya sa Akin, ito ay ang kanyang pahayag na Ako ay mayroong anak na lalaki (o supling) Hindi! Luwalhati sa Akin! Ako ay sadyang malayo sa pagkakaroon ng asawa o anak.” Sahih Bukhari vol 6, Hadith Bilang 9.