Tinipon ni Abdul Aziz Tim Mirabueno
Si Abu Musa Ash'ari (Radhi Allahu Anhu) ay nag-ulat na Sinabi ng Propeta MUhammad (Sallallahu Alayhi wa Sallam)...
Ang Yaum Al Qiyamah ay Dadating kung...
1. Kung ang mga Tao ay ikinahihiya na ang mga bagay na ipinagbabawal sa Qur'an.
2.Kapag ang isang tao na HINDI napagkakatiwalaan ay bibigyan ng pagtitiwala At Ang Tao na Napagkakatiwalaan ay ituturing na HINDI pagkakatiwalaan.
3.Kapag uminit ang panahon sa Taglamig,at lumamig sa panahon ng tag-init.
4.Kapag ang mga bilang ng araw ng paglalakbay ay magagawa lamang sa ilang oras.
5.Kapag ang Tagapag-Salaysay at mga taong nagbibigay ng Panayam ay magsasalita ng puro Kasinungalingan.
6.Kapag ang mga tao ay nagtatalo-talo,naglalaban-laban ng dahil lamang sa isang hamak o katiting na bagay.
7.Kapag ang mga Kababaihan ay magdatingan ng may pagkayamot at pagiging masama ang loob sa pagkakaroon ng mga anak,At ang mga babaeng baog (barren) ay nanatiling masaya sa kawalan ng responsibilidad na magkaroon ng anak.
8.Kapag ang mga Pang-aapi,Pagka-inggit at Kasakiman ay ordinaryo na lamang sa bawat araw.
9.Kapag ang mga Tao ay pala-angal sa pagsunod sa mga mumunting mga bagay.
10.Kapag nangingibabaw na ang Kasinungalingan kaysa sa Katotohanan.
11.Kapag ang karahasan,Pagdanak ng Dugo at ang pagsalangsang at kataksilan sa lahat ng pámahalaan ay maging pangkaraniwan na lamang.
12.Ang pagiging Immoralidad ay mangingibabaw,at ang pagkawala ng Kahihiyan at pagsasagawa ng kabuktutan sa harap ng publiko.
13.Kapag ang mga anak ay naging dahilan ng pagkagalit at dalamhati ng kanilang mga magulang.
Si Abdullah ibn Mas'ud (Radhi Allahu Anhu) ay nagtanong sa Rasulallah (Sallallahu Alayhi Wa Sallam) hinggil sa Yaum Al Qiyamah.Sinabi ng Rasulullah (SAS)...Ang araw ng Paghuhukom ay dadarating kapag...
1.Ang mga Musika at ang instrumento ng musika ay makikita sa bawat tahanan.
2.Kapag ang mga tao ay kumalingâ, magkaloob ng ayuda sa mga bakla o binabae.
3.Ang pagdami ng mga batang walang kinikilalang ama.
4.Ang paglaganap ng mga panunuya(taunter),tsismoso at tsismosa at manlalait sa lipunan.
5.Ang mga tao ay magbubuo ng kasunduan sa mga Estranghero at hihiwalay sa asawa,mga anak at mga magulang.
6.Ang mga Ipokrito ang mamamahala sa komunidad at kasamaan,Ang immoralidad ng mga tao ang gagawing gabay sa mga negosyo at establisimyento.
7.Ang mga Masajid (Mosque) ay lalagyan ng napakaraming mga dekorasyon,ngunit ang mga puso ng mga tao ay mawawala sa pagkagabay.
8.Ang lapag ng mga Masjid ay gagawing napakaganda,elegante at may matataas na Mimbar(Pulpits) na nakatayo.
9.Grupo ng mga taong masasama ay mangingibabaw.
10.Paglaganap at malubhang paggamit ng mga tao ng mga nakakalangong mga inumin (mga alak at kauri nito).
Si Auf bin Malik (RA) ay nagsabi: "Ako ay nagpunta sa Rasulullah SAS,habang Siya ay naka-upo sa ilalim ng habong na balat ng hayop sa panahon ng paglalakbay sa Tabuk".Sinabi ng Rasulullah SAS,.."Bumilang ka ng Anim na mga bagay bago dumating ang Araw ng Paghuhukom."
1.Ang Aking Kamatayan.(pagkatapos ng kamatayan ng Propeta MUhammad SAS)
2.Ang Pagsakop sa Jerusalem.
3.Ang Pagpatay ng maramihan sa mga Tao,katulad ng pagkamatay ng mga Tupa na dinaanan ng Peste o epidemya.
4.Ang paglago ng mga Kayamanan at Ang hindi pagkakaroon ng kasiyahan ng isang pulubi matapos na siya ay bigyan ng Isangdaan Dinar.
5.Ang Pangkalahatang pagsalangsang at kataksilan at Pagdanak ng dugo.
6.Pagkatapos,ang buhay ay magiging matiwasay sa ilalim ng kasunduan ng arabo at ng Bani al asfar (Romans) at pagkatapos ay sila rin ang babali sa kasunduang ito upang atakihin ka ng buong lakas ng kanilang puwersa na may walong bandila at sa bawat bandila ay binubuo ng mga sundalong may bilang na 12,000 tao.( Hadith Sahih Al Bukhari )
Tinipon ni Abdul Aziz Tim Mirabueno
No comments:
Post a Comment