Pages

Monday, May 2, 2011

Yaman ng Kalikasan,Sagot sa Kahirapan




Subhan'Allah,kung hindi lang sinalaula ng tao ang mga ilog natin sa Pilipinas,marahil katulad nito
( video na naunang nai-post na may kaparehong title ) ang mga ilog natin,ang makasaysayang mga ilog sa Northern Luzon,Ambuklao River, Mga ilog na nag-uugnay sa mga bayan ng Laguna,Ang punong-puno ng Kasaysayang Ilog Pasig,na nuon ay mayaman sa lahat ng uri ng Isdang tabang,..Ang makikita natin ngayon ay naglutang na mga basura at dumi ng mga Pabrika na itinatapon sa mga dating magagarang mga ilog.Papaano na ang mga magiging mga anak natin sa mga susunod na Henerasyon?
Kung naingatan lamang natin ang kalikasan,lalo na ang mga ilog,Sa Totoo lang masusustentuhan nito ang kinakaharap na kahirapan ng 80% mahihirap na mamamayan sa bansang Pilipinas na dumaranas nang pagdarahop...Allahu Akbar.
Ang Ilog Pasig na siyang tanging nabubuhay na Saksi at nagsilbing daan ng mga Kastila sa ginawang pananakop sa bansang Maharlika ng mga Sinaunang mga Muslim..Sa tanggapan ng Statistics,ang Ilog Pasig nuong panahong iyon ay ang malaking bahagi ng napagkukunan ng mga yamang ilog at isdang tabang White Carp Fish.
Sa pananaw ng Islam,ang pag-ganap bilang tagapamahala ng Allah SWT sa ating daigdig na tayo ay responsable sa parehong pag-iingat at pangangalaga sa ating kapaligiran at kalikasan sa pagpapaunlad nito,Habang Ang Allah SWT ang Nagtutustos para sa atin.

Ang Pagtutustos na ito ng Allah SWT ay malubhang kinakailangan ng mga Nilikha Niya at lalong higit ang sangkatauhan na may mataas na antas ng pagkakalikha na siyang may mas karapatan na tumanggap ng mga biyayang ito sa mundong ating ginagalawan.Tayong mga tao ang tumatayong tagapamahala ng ating kalikasan at kapaligiran at Pananagutan natin ito sa Allah SWT,Ang Pinakamakapangyarihan sa lahat at Magbibigay Siya ng Gantimpala at Magpapataw ng mga Kaparusahan alinsunod sa ginawa ng tao.Kung ating pinangalagaan ang Kapaligiran at Kalikasan,tayo ay may laang Gantimpala mula sa Allah SWT,ngunit kung ating inabuso ang Kapaligiran at Kalikasan at hinayaang masira ito dahil sa kapabayaan,Tayo ay HAHARAP SA NAKAKATAKOT NA WAKAS.

Ang Allah SWT ay may sinabi sa Marangal na Qur'an sa Surah Al Baqarah:27

"Ang sinumang sumira sa napagkasunduan,matapos na ito ay Mapagtibay at sila ay pumuputol,sumusuway at hindi tumupad sa mga ipinag-utos ng Allah na dapat na pagdugtungin,ipagpatuloy at isakatuparan at nagsigawa ng mga kabuktutan sa kalupaan,Sila ang isa sa mga Talunan."     

Sinulat ni Abdul Aziz Tim Mirabueno

No comments:

Post a Comment