Pages

Monday, May 2, 2011

BABALA NI ALLAH SA MGA KRISTIYANO



Posted by: Abdul Basit Ibrahim Tapodoc
Ang lahat ng PAPURI ay sa kanya lamang na ALLAH SUBHANNAWATA'ALLAH


Surah 4 Surat An-Nissa (Ang Kababaihan) sa Banal na Qur'an::

157.       At sa kanilang pagsasabi (na nagpaparangalan), “Aming pinatay ang Mesiyas na si Hesus, ang anak ni Maria, ang Tagapagbalita ng Allah, datapuwa’t siya ay hindi nila napatay, gayundin naman, siya ay hindi nila naibayubay sa krus, datapuwa’t ang nailagay na lalaki ay  kawangis ni Hesus (at kanilang napatay ang lalaking ito), at ang may pagkakahidwa (o ibang paniniwala) rito ay puspos ng alinlangan, na ang kaalaman ay walang (katiyakan); wala silang sinusunod maliban sa haka-haka, sapagkat katotohanang siya (alalaong baga, si Hesus na anak ni Maria), ay hindi nila napatay;

158.       Datapuwa’t itinaas siya (Hesus) sa (kanyang katawan at kaluluwa) ng Allah sa Kanyang piling (at si Hesus ay nasa kalangitan [ngayon]). At ang Allah ay Lalagi nang Tigib ng Kapangyarihan, ang Puspos ng Kaalaman.

159.       At walang sinuman sa Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano), ang maliliban (o mangyayari) na hindi mananalig sa kanya (kay Hesus, ang anak ni Maria, bilang isang Tagapagbalita lamang ng Allah at isang tao) bago dumatal ang kanyang (Hesus) kamatayan; at sa Araw ng Muling Pagkabuhay, siya (Hesus) ay magiging saksi laban sa kanila.

                                                        ----- 0 -----
                            _____________________________________



[Ang kasaysayan ng mga linikha ni Allah (swt) ay tapos na! Simula hangang Katapusan ay naitala na niya ito bago paman niya ito Ginawa. ''NA ANG LAHAT NG BUHAY AY WALANG DUDANG MAKAKATIKIM NG KAMATAYAN!'']

Ang Allah(swt) ay isinasalaysay niya ang MANGYAYARI sa araw nang PAGHUHUKOM sa kanyang BANAL na QUR'AN. At itoy walang dudang mangyayari. Gaano ka hiwaga ang salita ni Allah (swt)?. Bakit niya nasabi na ''AT ALALAHANIN'', bagkus ang pangyayari ay dipa naganap? Sa atin na mga nilikha ng Allah(swt) ay may sinasabing, Pang-nagdaan, Pang-kasalukuyan at Pang-hinaharap. Ang tatlong panahunan na ito para kay Allah ay pare-pareho. Batid niya ang LANTAD at LINGID sa kanyang mga linikha.

Surah 5 Surat Al-Maida (Ang Dulang) sa Banal na Qur'an:

Talata 116:
At (Alalahanin) kung si Allah ay magwika (sa araw na muling pagkabuhay):
O Hesus na anak ni Maria! Iyo bang ipinahayag sa mga tao:
(Na) sambahin Ako (Hesus) at ang aking Ina (Maria) bilang dalawan Diyos bukod pa kay Allah?

Talata 117:
Siya (Hesus) ay magsasabi:
Luwalhatiin kayo! Hindi isang katampatan sa akin ang magsabi ng isang bagay na wala akong karapatan (na magsabi). Kung aking binigkas ang gayong bagay, katotohanang ito ay inyong mabatid. Talos ninyo kung ano ang nasa aking kalooban, datapwa't hindi ko nalalaman ang nasa inyong (kalooban). Katotohanang kayo lamang ang ganap na nakakaalam na lahat ng nakalingid.
Kailanman ay hindi ako nangungusap sa kanila, maliban lamang kung ano ang iyong ipinag-utos sa akin na sabihin: "SAMBAHIN NINYO SI ALLAH, ANG AKING PANGINOON AT INYONG PANGINOON" at ako ay isang saksi sa kanila habang ako ay (nabubuhay) na nasa kanilang lipon, datapwa't ng ako inyong KAUNIN, kayo ang taga masid sa kanila, at kayo ang saksi sa lahat ng bagay.

Talata 118:
Kung sila ay inyong PARUSAHAN, sila ay inyong mga alipin, at kung sila ay inyong PATATAWARIN, katotohanan kayo lamang ang sukdol sa kapangyarihan, ang tigib ng Karunungan.

HINDI MASAMA ANG MAG-USISA NG KATOTOHANAN
Wassalam.

No comments:

Post a Comment