Pages

Wednesday, May 4, 2011

PAALAALA SA MGA GUMAGAMIT NG FACEBOOK

 facebook_...
PAALAALA SA MGA GUMAGAMIT NG FACEBOOK

Musta na po ang Da'wah natin dyan mga Brothers and Sister ko sa pananampalatayang ISLAM.... BILANG PAALAALA! UNA PO SA AKIN SARILI, NA ANG PAGGAMIT NG FB AY TUNAY NA NAKAKASAGABAL SA ATING PAGSAMBA KAYA PO LAGI NATIN IISIPIN NA ANG PAGGAMIT NG MGA KUMIKINANG NA BAGAY SA MUNDONG ITO AY GAMITIN PO NATIN PARA MAKADAGDAG SA ATING MGA MABUBUTING GAWA PAGDATING SA KABILANG BUHAY... INSHAALLAH PO!  MGA BROTHERS & SISTERS AY IIWAN PO SANA NATIN ANG FB O ANUMANG GAWAIN NA MAKAKAHADLANG SA PAGSAMBA SA ALLAH (swt), KAYA PO PAALAALA PO LAMANG NA ANG PAG-SASALAH NATIN AY HWAG NATING KALILIMUTAN SA TAKDANG ORAS NITO... YAN LAMANG PO MGA BROTHERS & SISTERS. As-salamo alaykom wa rahmatulahi wa barakatuh!

Ang PAGDARASAL ito ang pinakamataas na uri ng pakikipag-ugnayan natin sa ating Tagapalikha. Ang Propeta Muhammad (saws) ay kinakailangan pang umakyat sa kalangitan upang tanggapin ang kautusan hinggil sa Salah. Ang pagkakaiba ng Muslim at hindi Muslim ay ang pagdarasal. Halos ipag-utos ng Propeta (saws) na sunugin ang bahay ng mga taong hindi


nagdarasal sa Masjid.

Sinabi ng Propeta (saws): “Kung alam ninyo lamang ang gantimpala ng pagdarasal,

baka kahit ang gumapang ay gagawin ninyo upang makuha lamang ito.”


Kaya nga kahit na ang isang taong maysakit, kahit sa pamamagitan na lamang ng kurap
ng mata ay kinakailangang magdasal pa rin siya. Kung hindi niya kaya ang yumuko
o tumayo, kahit ang umupo o humiga ay sapat na, ang mahalaga ay makapagdasal
siya. Kahit na walang sapat na tubig, pwede siyang mag-tayammum (tuyong
paglilinis) sa pamamagitan ng buhangin o alikabok.

Sinabi ng Allah (swt): “Bantayang ninyong mabuti ang inyong mga Salah, lalung-lalo na ang panggitnang Salah (Asr), at humarap sa Allah ng buong pagsusumamo.”Kabanata 2: 238


Sinabi ng Propeta Muhammad (saws):

“Ang kauna-unahang itatanong at titimbangin sa mga alipin ng Allah sa Araw ng Paghuhukom ay ang Salah. Kung ito ay mabuti, ang kanyang mga ginawa ay magiging mabuti rin; at kung ito ay masama (kulang-kulang, hindi kumpleto), ang kanyang mga ginawa ay magiging masama rin.
  Sinabi rin ng Allah (swt): “Ang mga mananampalataya na magtatagumpay ay yaong nagpapakumbaba sa kanilang mga panalangin” Kabanata 23:1-2

Ang taimtim at tunay na pananalangin na base sa pagpapakumbaba at pagpapasakop ay nagbibigay ng liwanag sa mga puso, naglilinis sa mga kaluluwa ng tao at nagtuturo sa mga mananampalataya ng tunay na kahulugan ng pagsamba at nagpapaalala sa kanyang mga obligasyon sa harapan ng Nag-iisang Tunay na Diyos na Tagapaglikha. Dahil sa pamamagitan lamang ng pagdarasal, naitatanim sa puso ng isang mananampalataya ang Kaluwalhatian at Kadakilaan ng Allah.


Ang PAGDARASAL ay nagdudulot at nagkakaloob ng karangalan sa isang mananampalataya sa pamamagitan ng pagkakaroon niya ng napakataas at napakahusay na karakter tulad halimbawa ng pagiging makatotohanan, pagiging matapat, mapagpakumbaba, mahusay na integridad, maunawain, makatarungan, maaawain, matulungin at mapagbigay. Itinataas siya ng kanyang pagdarasal at idinidirekta siya sa harapan ng Nag-iisang Tunay na Tagapaglikha, na nagbibigay ng ibayong takot at tunay na pagmamahal sa Tagapaglikha.

ANG PAGDARASAL BILANG REMEDYO SA SAKIT NG PUSO

Madali tayong madadarang ng mga tukso, at madali tayong manghihina sa mga pagsubok na ibibigay sa atin ng Allah kung ang ating spiritual ay mahina. Ang iba pa nga, dahil sa kahinaan ng kanilang spiritual ay nagagawang sisihin ang Allah gayung wala naman tayong
karapatan na sisihin Siya. Kapag mahina ang ating spiritual, magagawa nating sisihin ang lahat ng mga tao sa lahat ng mga bagay na nangyayari sa atin. Madali tayong mainis at mabugnot. Ang solusyon ay pakainin natin ang ating spiritual na katauhan sa pamamagitan ng Salah. Dito ay makikita natin ang tunay na pagkakapatiran at ang pagkakapantay-pantay nating mga Muslim, walang mahirap o mayaman, puti ka man o anumang kulay, sa pagdarasal ay iisa lamang ang ating pamamaraan.

 Ang Salah ay mayroong porma at spirit. Ang porma nito ay ang pagdarasal ng katawan,
ang sa spirit naman ay ang pagsamba ng puso. Ang puso at kaluluwa ng sinumang
nagsasagawa nito ay magkakaroon ng dibinong liwanag. Ito ang bagay na nag-uugnay sa pagitan ng alipin at ng kanyang Tagapaglikha. Ang pagdarasal ay ang pinakamalaking tanda ng paniniwala, ang pinakamalahagang gawain ng pagsamba, at ang pinakasiguradong pamamaraan ng pagpapasalamat sa Allah sa lahat ng mga biyayang ipinagkakaloob Niya sa Kanyang mga nilikha. Ang hindi pagsasagawa ng Salah ay ang paglayo sa awa ng Allah. Nangunguhulugan ito ng pagkawala sa taong ito ng Kanyang Awa, mga biyaya at kalinga. Ito ay ang pagtanggi sa kabutihan at basbas ng Tagapaglikha.

Ang tunay na pagdarasal (taimtim at ayon sa isinagawa ng huling propeta, Muhammad [saws]) ay gamot sa sakit na sumisira sa puso at nagpapasama sa konsensiya at kaluluwa ng isang tao. Ang salah ay nagsisilbing liwanag na nagpapawi ng kasamaan ng kadiliman at
ng kasalanan.

Sinabi ni Abu Hurayrah (kalugdan nawa siya ng Allah) na sinabi ng Propeta Muhammad (saws): “Tingnan ninyo, kung kayo ay mayroong ilog sa tabi ng pintuan ng inyong bahay at

naliligo kayo roon limang (5) beses isang araw, sa palagay mo ba ay mayroon pa
ring duming matitira sa inyo? Sinabi nila (ng mga kasamahan ng Propeta Wala nang duming matitira”. At pagkatapos ay sinabi niya: “Katulad din (Bukhari at Muslim)
ito ng pagdarasal ng limang beses isang araw kung saan nililinis ng Allah ang
ating mga kasalanan.”

Sinabi ni Abdullah ibn Umar (kalugdan nawa sila ng Allah) na sinabi ng Propeta Muhammad (saws): “Sinuman ang sadyang kinalimutan at kinaligtaan ang Salah ng Asr, ito ay parang naiwala o nawasak niya ang kanyang pamilya at ang kanyang ari-arian”. (Bukhari,
Vol. 1, Hadith no. 527) Iwasan ang pagmamadali sa pagsasagawa ng Salah, dahil
ito ay hindi katanggap-tanggap sa harapan ng Allah.  

Ang lugar o ang direksiyon na ating hinaharapan ay direksiyon lamang ng dasalan, ang Ka’aba, kailanman ay hindi natin sinasamba kundi ito ay direksiyon lamang natin sa ating pagdarasal, ito ay sagisag ng pagkakaisa nating mga Muslim.

Yan lamang po bilang PAALAALA para rin po sa ating IKABUBUTI PAGHARAP NATIN SA NAG-IISANG TUNAY NA DIYOS ANG ALLAH (swt), inshaALLAH! ”As-salamo alaykom Wa Rahmatulahi Wa Barakatuh”

No comments:

Post a Comment