Pages

Saturday, April 30, 2011

Ang Pagbabalik Tanaw Tungo sa Pagunawa sa Mga balik Islam


Ang Pagbabalik Tanaw Tungo sa Pagunawa sa Mga balik Islam
Inilikha ni:
Bro. Homer ( Omar ) Impas

Ang lahat ng papuri ay natatangi lamang sa dakilang lumikha na nagbigay buhay sa ating sanlibutan. Siya‟y nag-iisa lamang at wala nang iba pang dapat sambahin kundi si Allah. Siya ay marapat na purihin at luwalhatiin at bukod tanging nag-iisa at walang katambal.Gayundin ang mainam napagpapala sa ating Propetang si Muhammad at sa kaniyang pamilya na naging gabay sapag hubog sa buong Muslim. Sumakanya nawa ang kapayapaan.
Ỉlang libong taon na ang mga nakalipas nuong tayo ay mapaligaw ng landas sa pagpapala ng ating Maykapal. Tayo bilang isang Mamamayang Pilipino ay nawalay at nalihis sa ibat-ibang relihiyon mula pa sa nakagisnan ng ating mga ninuno. Datapwa‟t tayo ay binigyang laya ng Puong maykapal upang tayo ay makapamili at makapamuhay ng sariling atin.
Isang balik tanaw sa ating mga ninuno ang ating pag-isapan kung bakit noon ang ating mga ninuno ay sumasamba kay Bathala ( ito‟y kahulugan ng Bahalana ang Diyos ) sa linguahe ng English ay “In Gods will”. Kahalintulad ng Wikang Arabik na Ensha Allah.Ibig sabihin “In Gods will”. Ito‟y nagpapatunay na ang mga ninuno natin ay sa Diyos lamang umaasa at nanampalataya. Ang ating mga ninuno ay may pinaniniwala Mitulohiya na unang nilikha si Malakas at si Maganda. Sila ay walang mataas na antas ng kaalaman ukol sa dakilang lumikha at sakanilang pinagmulan.Ngunit itoy isa lamang haka-haka . Kung ating susuriin si Malakas at si Maganda ay diba kahalintulad ng nasa Bibliya at Qur‟an na binabanggit na si Eva‟t Adan. Sila ay nilikha ng Diyos mula sa alikabok sa ibat-ibat dako ng mundo at tubig at ito‟y nagging putik at ito‟y kanyang hiningahan at ang pagpapala ng Diyos ay naghubog sa pagkatao ni Adan at Eva na ating mga ninuno. Ayon sa kasaysayan ng ating Lahi tayo ay galing sa tribo ng mga Malayan. Sa ngayon ang bansang ito‟y tinatawag na Malaysia. Ang ilang tribo na pinamumunuan ng mga Datu ay na padpad sa bansang Pilipinas sa pamamagitan ng bangka na kanilang ginamit sa pagtawid at noo‟y nag tatag ng iba‟t ibang baranggay. Noong unang panahon ang Datu ang siyang makapangyarihan at nagmamay-ari ng kanilang nasasakupan. Siya ay iginagalang. At ang nakararaming Relihiyon ay Muslim ito ay nasasakupan ng mga batas na naayon sa Muslim na matibay ang pananalig at makatarungang pag huhukom. Ang bawat baranggay na ito ay may kanya-kanyang batas at alituntunin. Ang isa sa mga batas na ito ayon sa kasaysayan ay ang “Batas ni Kalantiaw ” ang isa na namarahil na papular sa kasaysayan ng Pilipinas. Di naglaon ang mga dayuhan ay na padpad sa Isla ng Homonhon sa lalawigan ng Leyte ( ika- Marso 16, 1521). Sa pamamagitan ni Magelan ang Pilipinas ay kanilang sinakop ngunit siya ay di nagtagumpay laban sa matibay at malakas na Pinunong Muslim na si Lapu-Lapu. Hanggang ang mga Espanyol ay nag balik sa pamumuno ni Miguel Lopez de legaspi.Dito nagsimula ang malawakang pag sakop sa ating bansa. At kanilang itinatag ang Kristiyanismo. Marami ang mga nagbago sa pamumuhay ng ating mga ninuno at kanilang pinalitan ang kanilang paniniwala sa pagsamba kay Bathala. Na mula pa nuong una‟y pinaninikluhuran at pinagpapatirapaan ng mga Muslim. At maging ang mga alamat na nuong paniniwala ng ating mga ninuno tungkol sa mga diwata at mga mahiwagang gawain ni Bathala ay pinalitan nila ng kwento at mga Santo kanilang dinadasalan. Dito na nagsimulang maniwala ang mga Pilipino sa pagsamba at pagtalima sa rebulto at mga Imahe na iniwawangis nila sa Diyos. Tulad ng Santo Nińo, Krus at Nazareno na gawa sa yakal, kahoy at tisa na hinubog ayon sa kathang isip lamang. Dahil sa kawalan ng kaalaman ang tao‟y pinaniwala nila upang ang lahat ay kanilang masakop at magkaroon ng katapatan sa kanilang nasasakupan. Sa paglipas ng Panahon ang ibang mga Pilipino na nag nagkaroon ng sapat na kaalaman , ay nagsaliksik at dito nagsimulang mag aklas at mag-iba ng kani-kanilang relihiyon. Isa na sa pinaka makasaysayan ay si Dr.Jose Rizal na ating Pambansang bayani.Dahil narin sa kanyang kalaaman ito ay kanyang natunghayan ang mali sa Relihiyon kanyang nagisnan at kaya Siya‟y nag aklas laban sa mga Pari at Pamahalaan. Ngunit sa lakas ng sandatahan ng Espanyol. Sila ay nanatili ng mahabang panahon. At pagkatapos naman ay iba‟t ibang mga bansa na ang sumakop sa Pilipinas. Magmula sa panahon ng mga Hapon , Amerikano at iba pa. Malaya narin nagsi datingan ang mga iba't-ibang lahi ng mga mangangalakal. Dito ay nag simula narin dumami ang mga Relihiyon bukod sa Kristianismo. Tulad ng Jehova's withness, Iglesia ni Kristo at Protestante na noon ay tumiwalag sa relihiyon Katoliko, Buhdist, Christ the King, Born Again, Hindunismo, Buddismo, at iba pa.Ang lahat ng ito ay ayon sa kanikanilang paniniwala. Hanggang sa kasalukuyan panahon patuloy parin ang pagdami ng iba‟t ibang uri ng relihiyon.Tulad ng El-shadai , Ang Dating Daan , Couples of Christ , at iba pa.Ngayon sa modernong pamumuhay ang mga katotohanan ay unti unti na nating napag aalaman mula narin sa mga kwento at aklat na inilimbag at inilalagay sa Libro , Internet at mga babasahin. Ang lahat ng pagpapala ng Diyos ay kanyang inihayag ayon sa kanyang kapahayagan at ito ay ang Tora o ang Evangheliyo o Bibliya sa panahon ni Kristo at ang Qur'an sa panahon ni Muhammad( Sumakanila nawa ang pagpapala at kapayapaan). Dito ay ipinaliwanag sa banal na kasulatan kung saan tayo nagmula at saan tayo magtatapos.
Marahil sa dami at maling paniniwala ang iba ay nagging matigas na ang puso para sa pag-unawa. At ang iba nama‟y nagging matapat sa nakagisnang pananampalataya mula pa sa kanilang mga magulang. Dito‟y mahirap narin unawain ng bawat-isa at isa‟t isa dahil sa kanikanilang paniniwala. Ang bawa‟t tao ay binigyan ng kanya-kanyang sariling pag-iisip at dito ay malaya natin nagagawa kung ano ang ating nais isipin. Sa ngayon marahil ang iba-ay nagtataka sa mga bago at balik-Islam. Ang iba naman ay nag-iisip tungo sa kanilang pagbabago. Ang iba naman ay inihahalintulad sa mga terorrismo. Ang bawat Pilipinong na nag babalik Islam ay may kanikanilang kadahilan. Ngunit Ito‟y hindi lamang sa kanilang kadahilan o pansarili lamang. At ang hindi natin napapagtanto ay isang pagpapala ni Allah na hindi natin namamalayan sa pagbabalik loob sa Islam. Ang Islam ay ang tunay na Relihiyon ni Allah. At ito ay inihayag sa huling Aklat na ipinahayag kay Propeta Muhammad ( sumakanya nawa ang kapayapaan ). Ang Nemah ng Allah ay siyang gabay sa mga taong kanyang pinahihintulutan at pinagpapalang buksan ang kanyang puso‟t isipan upang ang kanyang relihiyon ay maunawaan. At ang sinuman sa kanya ay tumalima, ito‟y kanyang pagpapalain at ang pinto ng pitong langit ay kanyang bubuksan sa sinuman magpasakop at manampalataya sa Kanyang Tunay na Relihiyon. Kaya ito‟y tinawag na relihiyong “Islam ” ang ibig sabihin ay taos pusong pagsuko sa kanyang relihiyon at pagsamba sa iisang diyos at tunay na Diyos na siya si “Allah”. Ito ay kanyang paulit ulit na sina sabi sa banal na Qur‟an. Datapwa‟t ang mga taong walang kaalaman tungkol sa Islam ay lagi nalamang inihahalintulad sa mga masasamang bagay at terrorismo. Tayo ay binigyan ng Puso‟t Isipan . Diba‟t kailangang itong sabay na ginagamit upang maging balanse at ating pamumuhay. Isa sa mga katanungan ng hindi nanampalataya sa Relihiyon ni Allah ay bakit sa ibang wikang Arabo lahat ito ipinahayag ? At ano ang kadahilanan? Nakasaad sa banal Qur‟an At kung Aming ipinadala ang Qur‟an na ito sa ibang wika na iba sa Arabik, ay kanilang sasabihin. “ Bakit ang mga talata nito ay hindi ipinaliwanag nang puspusan ( sa aming wika )? Ano ( Isang Aklat ) na hindi sa wikang Arabik at ( ang Sugo ) ay isang Arabo? ” Ipagbadya: “ Ito ay para sa sumasampalataya, isang patnubay at lunas. At sa mga hindi sumasampalataya ay mayroon kabigatan ( pagkabingi ) sa kanilang mga tainga, at ito ( Qur‟an ) ay isang pagkabulag sa kanilang(mga mata). Sila ( ay wari bang ) Tinatawag sa isang malayong lugar ( kaya‟t sila ay hindi ay hindi nakikinig o nakakaunawa .( Qur‟an Surah 41: 44.)
Sa una paman ay aking nabangit na ang puso at isipan ay dapat maging balanse. Dito ay ating unawain at pagisipan na kahit saan mandako tayo‟y mag punta o maging mangibang-bayan at balak mag trabaho sa ibang bansa ay dapat nating alamin ang kanilang pamumuhay at ang kanilang linguahe. Diba‟t ang bawat bansa ay may iba‟t ibang karakterismo at pag katao. Ang mga bansang tulad ng Amerika, Canada, Australia at iba pa, ay dapat na kailangan munang dumaan sa pagsusulit at pag-aralan ang kanilang mga lenguahe. Dito sila ay nag bigay ng batas na kailangan ipasa ang mga sumusunod. English International Language test ( IELTS ) , Test of English as Foreign Language. ( TOEFEL ) , Web Ontology Language Test ( WOL ) at kung ano ano pa. Diba kay hirap isipin kung paano natin ito maipapasa upang makapunta lamang sa ibang bansa at maghanap buhay. Pano pakaya sa Paraisong gusto nating puntahan sa muling pag kabuhay. Katunayang ito„y kailangan nating pagsulitan at pag-aralan mabuti. Pagkat sa buhay na walang hangaggan ang lahat ng biyaya at pagpapla ni Allah ay tunay na sa kanyang Paraiso lamang masusumpugan . At ito ay inihayag sa Bibliya at Qur‟an upang tayo ay magsumikap sa ating pamumuhay. Ito ay isang pagsubok at pagsusulit na dapat nating pag-aralan ayon sa kanyang tunay na Relihiyon. At kung ating naman pagiisipan bakit ang Islam ang Tunay na Relihiyon. Ito‟y paulit ulit na ibinanggit sa Banal Na Qur‟an at mag mula pa sa ating ninuno na si Eva at Adan , Moses, Abraham haggang kay Kristo at Muhammad ( Sumakanila nawa ang kapayapaan ).Na ang Islam ay kanilang tunay na relihiyon. Sila ay mga prophetang paulit ulit na isunugo ni Allah upang tayo ay kanyang paalalahanan.
"At huwag kayong tumulad sa kanila na nakalimot kay Allah, at Kanyang pinapangyari na malimutan nila ang kanilang mga sarili, sila nga ang mga Fasiqun ( palasaway kay Allah ). Hindi magkatulad ang mga tao sa Impiyerno at mga tao sa Paraiso. Ang mga tao sa Paraiso ay tunay na mga nag tagumpay."
( Quran -59:19-20 )
" Sabihin! Siya si Allah, ang bukod tanging nag iisa, si Allah, ang sandigan ng lahat, ang walang hangan at walang
kapintasan, hindi Siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak at Siya ay walang katulad.
( Quran 112: 1-4 )
" Katotohan, hindi sumasampalataya ang mga nagsabing " si Allah ay isa sa tatlo ( trinidad ) " datapuwa't wala ng iba
pang Diyos maliban sa nag-iisang Diyos ( si Allah ). At kung sila ay hindi titigil kanilang sinasabi, katotohanan, ang
isang kasakit-sakit na kaparusahan ay sasapit sa mga hindi sumasampalataya sa kanila .
( Quran 5:72 )
" May iba pa bang Diyos bukod kay Allah? Karamihan sa kanila ay hindi nakakaalam.
( Quran 27 : 61)
" May iba pa bang Diyos bukod kay Allah ? Mataas si Allah sa kanilang mga itinatambal sa Kanya
( Quran 27 : 63 )
" May iba pa bang Diyos bukod kay Allah ? Sabihin ! Ipakita ang inyong katibayan kung kayo ay nagsasabi ng
katotohanan
( Quran 27 :64 )
At sa huling sinugo ni Allah nasi Propeta Muhammad ( Sumakanya nawa ang pagpapala ). Ay tunay na
nagsabi na ang huling pagbabalik ay hindi darating hangga‟t ang lahat ay tumatalima at ang “ Islam ” na Tunay na relihiyon ni Allah ay manuluyan sa kanilang puso at tahanan. Datapwa‟t si Propeta Muhammad na ang huling sugo
( Sumakanya nawa ang kapayapaan ). Ay wala ng iba pang mag-papaalala sa atin.
Nawa‟y ang Nemah ni Allah ay mapasaatin upang tayo ay magtagumpay at mapasailalim sa kanyang
relihiyon. Sapagka‟t ang buhay na walang hanggan sa kanyang Paraiso ang pinakamainam kaysa sa Buhay sa
Impiyerno. Assalamalakum Waramatulah Wabarakatuh.
Bro.Homer ( Omar ) Impas.

2 comments:

  1. mashallah...magandang mabasa ito ng may paniniwala sa dakilang lumikha....

    ReplyDelete
  2. ...Masha'Allah La Quwwata Illa Billah...Bro. pa share ng articles mo sa FB,para mabasa ng mga friends ko na di pa muslim..naway mas maunawaan pa nila ng mabuti ang Islam..insha'Allah...thanks!

    ReplyDelete